10 hanggang 17 bagyo ang mararanasan ng bansa simula Hulyo hanggang katapusan ng taong ito.
Ayon ito kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas na nagsabi ring dalawa hanggang apat na bagyo ang maaaring pumasok sa bansa sa buwan ng Hulyo.
Nasa dalawa hanggang tatlong bagyo naman ang mararanasan sa bansa mula Agosto hanggang Oktubre.
Isa hanggang dalawang bagyo ang inaasahang darating sa mga buwan ng Nobyembre at Disyembre.
Papangalanang Carina ang susunod na bagyong papasok sa bansa.
Ipinabatid ng PAGASA na 50% ang tsansang makaranas ng La Niña ang bansa bago matapos ang taong ito.