Lumagpas na sa 37,000 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas matapos makapagtala ng 1,080 bagong kaso.
Ayon sa Department of Health (DOH), 858 sa karagdagang bagong kaso ay tinukoy bilang fresh cases o bagong validated na kaso.
Habang 222 ang tinukoy na late case o mga na-validate matapos ang tatlong araw o higit pa.
Sa kabuuan, nakapagtala na ng 37,514 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Samantala, nadagdagan naman ng 277 ang gumaling mula sa COVID-19 na mayroon nang kabuuang 10,233 ang recoveries.
Pumalo naman sa 1,266 ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 matapos makapagtala ng karagdagang 11 pasyenteng namatay dahil sa virus.