Bubuksan na ng San Miguel Corporation ang itinayo nilang COVID-19 testing center sa bahagi ng EDSA simula Hulyo 3, Biyernes.
Ayon kay SMC President Ramon Ang, may kapasidad ang laboratoryo na magproseso ng 4,000 tests kada araw gamit ang reverse transcription polyremase chain reaction (RT-PCR).
Maaari rin aniyang mag-expand o palawigin pa ang test capacity nito hanggang 12,000 kada araw kung kinakailangan.
Pagtitiyak naman ni Ang, hindi magdadalawang isip ang SMC at patuloy na tutulong sa mga Filipino lalu’t napakarami na aniyang nilang nagawa bilang pakikiisa sa paglaban ng bansa sa COVID-19.
Magugunitang, una nang ginamit ng SMC ang kanilang pasilidad para gumawa ng alcohol na ipinamahagi sa mga komunidad noong kasagsagan ng kakulangan sa suplay nito habang nagbigay na rin ang kumpanya ng donasyon sa disinfectant sa iba’t ibang LGU’s.