Sumampa na sa mahigit 38,000 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ayon ito sa Department of Health (DOH) matapos madagdagan ng halos 1,000 o 999 ang kabuuang kaso ng COVID-19 ngayong Miyerkules
Sa mga nadagdag na kaso 595 ang fresh cases o bagong validated at 404 naman ang late cases kayat pumapalo na sa 38,511 ang confirmed COVID-19 cases sa bansa
Umakyat pa sa 10,438 ang total recoveries matapos madagdagan ng 205 pa samantalang naitala na sa 1,270 ang death toll matapos apat pa ang masawi dahil sa nasabing virus.
Sa mga tinaguriang fresh cases 175 ay mula sa Metro Manila, 134 ay mula sa Region 7 at ang 286 ay mula sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Sa mga late cases naman 131 ay mula sa Metro Manila, 57 ay mula sa Region 7 at ang iba pang 216 na kaso ay mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Samantala hanggang nitong nakalipas na June 29, ang Pilipinas ay mayruon nang 53 certified polymerase chain reaction facilities at 19 na GeneXpert laboratories na nakapag-test ng mahigit 666 katao.