Muling nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na walang outbreak ng sakit sa mga tilapia at hipon.
Ayon sa BFAR, lumabas kasi sa kanilang pag-aaral na ang pagkamatay ng mga isda sa lawa ng Taal at Laguna de Bay ay dulot ng pagbaba ng oxygen sa tubig kasunod ng pagbabago sa lagay ng panahon.
Bukod dito, binanggit din sa advisory ng ahensya na ligtas kainin ang mga huling tilapia at hipon sa rehiyon ng Ilocos.
Samantala, pinayuhan naman ng BFAR ang mga negosyante na tiyaking nasusunod ang mga biosecurity measures tulad ng regular na pagpapalit ng tubig at paglilinis sa kanilang palaisdaan.
Sa ganitong paraan umano, maiiwasan ang mga sakit gaya ng white spot syndrome, tilapia lake disease, at iba pang virus na dumadapo sa mga isda.