Umabot na sa 431 ang bilang ng mga dinadapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Muntinlupa.
Ito ay batay sa inilabas na datos ng health department ng lungsod.
Sa naturang bilang, kabuuang 106 dito ang itinuturing na mga active COVID-19 cases, 373 ang mga probable cases, habang 145 sa mga ito naman ang suspected cases.
COVID-19 UPDATE IN MUNTINLUPA
[As of July 1, 2020, 5:50 PM]Follow the official social media sites of Muntinlupa LGU and DOH for updates.
CGM Facebook: https://t.co/5qfnxa9jEg
CGM Twitter: @OFFICIALMUNTI
DOH Facebook: https://t.co/6GSZGPHqic
DOH Twitter: @DOHgovph pic.twitter.com/itOU27F2hu— OFFICIAL MUNTINLUPA (@OFFICIALMUNTI) July 1, 2020
Sa kaparehong bulletin, naitala rin ang 287 na mga residente ng lungsod ang tuluyang gumaling o naka-recover na sa banta ng COVID-19, habang 38 naman ang bilang ng mga namatay dahil sa virus.