Pansamantala munang isasara sa publiko ang Agora Market sa lungsod ng San Juan.
Ito ay makaraang dapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa nitong vendor.
Sa inilabas na abiso ng lokal ng pamahalaan ng San Juan City, nasa pagamutan na ang naturang COVID-19 patient, habang isasailalim naman sa pagsusuri ang lahat ng nakasalamuha nito.
Kasunod nito, iginiit naman ng mga awtoridad, oras na buksan muli ang pamilihan, tanging mga negatibo ang resulta sa COVID-19 lamang ang pahihintulutang magtinda.
Gayunpaman, papayagan namang magtinda ang mga naunang mga nagpositibo sa virus, kapag nakakuha na ang mga ito ng “fit to work” clearance mula health department ng lungsod.