Personal na nakiramay si Vice President Leni Robredo sa pamilya ng tatlo sa apat na sundalong nasawi sa naganap na misencounter sa Jolo, Sulu.
Kasunod na rin ito nang pagbisita ni Robredo sa burol nina Major Marvin Indammog, Captain Irwin Managuelod at Sergeant Jaime Velasco.
Una nang nailibing ang isa pang sundalong nasawi sa insidente na si Corporal Adbal Asula.
Sinabi ni Robredo na nakakalungkot marinig ang kuwento ng mga naulilang pamilya ng mga nasabing sundalo.
Nagpasalamat naman si Robredo kay Philippine Army Chief Lt General Gilbert Gapay sa pagtiyak ng hustisya para sa apat na sundalo.