Pumapalo na sa halos 17milyon ang nakapag-enroll na mula kindergarten hanggan grade 12 para sa school year 2020-2021.
Ayon sa Department of Education (DepEd) hanggang kahapon, Miyerkules, July 1 mahigit 16 na milyon ang nag-enroll sa public schools at mahigit 700,000 naman sa private schools.
Kabilang sa mga nagpa-enroll ang mga sasailalim sa alternative learning system at non-graded learners with disabilities.
Batay sa datos ng DepEd mahigit 8 milyon ang nagpa-enroll sa elementarya, mahigit 5 milyon a junior high school, halos 2 milyon sa senior high school at mahigit 1 milyon sa kindergarten.
Una nang pinalawig ng DepEd hanggang July 15 ang enrollment.