Pinasisilip sa Kamara ang iba pang broadcast companies na umeere kahit paso na o expired ang kanilang prangkisa.
Ayon kay Congresswoan Micaela Violago, 15 broadcasting companies ang alam niyang umeere ng walang prangkisa na malinaw aniyang paglabag sa labor law o tax evasion law.
Binigyang diin ni Violago na dapat maging patas ang Kongreso at walang kikilingan broadcasting company.