Umakyat na sa 5,740 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Cebu City.
Ito ay matapos makapagtala ng 150 pang bagong kaso ng virus sa lungsod.
Sa naturang bilang halos 3,000 na ang gumaling nang madagdag ang 88 bagong recoveries.
Nasa mahigit 2,500 ang aktibong kaso.
Nakapagtala naman ng 13 panibagong nasawi kaya’t pumapalo na sa isandaan at siyam naput tatlo ang bilang ang death toll dahil sa COVID-19 sa lungsod.