Walong volcanic earthquake ang naitala sa Mount Kanlaon.
Batay pa sa volcano bulletin ng PHIVOLCS nakapagtala rin ng moderate emission ng kulay puting steam laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa hanggang 200 meters.
Sinabi ng PHIVOLCS na hindi pa normal ang kondisyon ng Bulkang Kanlaon kaya’t nasa alert level 1 pa rin ito.
Samantala nagkakaroon naman ng magmatic activity sa Bulkang Kanlaon matapos makita ang bahagyang pamumula bunganga nito kasabay ang patuloy na pagbuga ng puting usok.
Isang volcanic earthquake ang naitala ng PHIVOLCS mula sa Bulkang Mayon sa nakalipas na magdamag.
Sinabi ng PHIVOLCS na nasa alert level 2 pa rin ang Bulkang Mayon na nangangahulugang ito ay nasa ilalim ng moderate unrest.