Nag-iipon na ng mga ebidensya ang Philippine Coast Guard (PCG) kaugnay sa isasampang kasong kriminal laban sa opisyal ng Hong Kong flagged cargo vessel na MV Vienna Wood.
Ayon kay Coastguard Commandant Vice Admiral George Ursabia, Jr. natapos na ang imbestigasyon nila sa mga tripulante ng MV Vienna Wood at sinimulan na aniya ng kanilang mga abogado ang pagkuha ng sinumpaang salaysay ng mga lokal na mangingisda na rumesponde sa insidente.
Una nang inihayag ng Coastguard na ang nawawalang 14 na Pinoy fishermen at pasahero ay maaaring kasama sa paglubog ng MV Liberty 5.
Tinatayang may 2,000 metro ang lalim nang pinaglubugan ng bangkang pangisda at ang technical divers ay maaaring lumubog sa ilalim ng 100 metro.