Nakahanda ang pamahalaan na magbenta ng mga ari-arian para makalikom ng pondong gagamitin sa pagbili ng bakuna kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang tiniyak ng Malakanyang oras na maging available na ang gamot o bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, naninindigan ang Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang prinsipyo na buhay muna bago ari-arian.
Magugunitang noong Abril, sinabi ng pangulo na kanyang ikinukunsidera ang pagbebenta sa mga assets ng pamahalaan sakaling maubos na ang pondo sa paglaban sa COVID-19 at ibinibigay na tulong sa mga apektadong Pilipino.