Madaragdagan pa ang biyahe ng mga eroplano patungo at mula sa Clark International Airport ngayong Hulyo.
Ayon sa pamunuan ng Clark International Airport, umaabot sa 24 na inbound at outbound flights na ang dumaan sa paliparan magmula ng magbalik na noong June 5 ang commercial operations nito.
Anila, tulo-tuloy na rin ang isa kada linggong commercial flights sa Incheon, South Korea sa pamamagitan ng Jin Air at Jeju Air, habang dalawang beses naman sa isang linggo ang biyahe ng Emirates patungong Dubai.
Samantala, nasa 5,000 mga balik bansang OFWs na rin ang dumating sa Clark International Airport magmula nang maranasan ang pandemiya sa COVID-19.