Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III.
Ani Densing, kaninang umaga lang nito nalamang positibo siya sa nakamamatay na virus.
Dagdag pa nito, ang dahilan nito kung bakit niya napiling magpasuri kung positibo nga ba ito sa virus ay dahil nitong nakalipas na linggo lang ay nakaramdam ito ng mga sintomas ng COVID-19.
Nauna rito, naging abala si Densing sa mga aktibidad ng pagmonitor ng mga nangyayaring community quarantine sa bansa sa ilalim ng screening at validation committee na kanya ring pinamumumunuan.
Dahil din sa masamang pakiramdam ni Densing, hindi na rin nitong nagawang makadalo sa IATF meeting.
Samantala sa ngayon, kasalukuyang nasa ospital na si Usec. Densing at patuloy na nagpapagaling.