Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi maabuso ang Anti-Terrorism Law.
Ito ang iginiit ng PNP kasabay ng malugod na pagtanggap sa paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nabanggit na batas.
Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, mananatili aniya silang tapat sa pananatili ng lahat ng institutional mechanisms na siyang nagsisilbing safeguard sa implementasyon ng Anti-Terrorism Law.
Kahapon, kinumpirma nina DILG Secretary Eduardo Año at Presidential spokesperson Harry Roque ang paglagda ni Pangulong Duterte sa Anti-Terrorism Act bilang isang ganap na batas.