Inaresto ng mga otoridad ang 11 indibidwal sa Cabuyao City, Laguna na nagsasagawa ng kilos protesta laban sa bagong Anti-Terrorism Law.
Ayon sa Philippine Collegian, nangyari ang pag-aresto isang araw matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Anti-Terrorism Act of 2020 o ang Republic Act 11479.
Ito’y sa kabila umano ng pagtutol ng ilang grupo sa bagong naipasang batas dahil daw sa pangambang maabuso at gamitin laban sa mga aktibista.
Nananatili ngayon ang mga inarestong indibidwal sa barangay hall ng pulo.
Noong nakalipas na linggo, 20 LGBT members na nagsasagawa rin ng demonstrasyon sa Maynila ang dinampot ng mga otoridad kahit sumusunod naman daw ang mga ito sa social distancing.