Pinabulaanan ng Ministry of Agriculture and Rural Affairs ng China ang nailathalang pag-aaral sa umano’y bagong tuklas na swine flu virus sa kanilang bansa.
Ayon sa China’s Ministry of Agriculture and Rural Affairs, hindi na bago ang strain ng swine flu na tinawag na “G4”.
Hindi rin anila ito mabilis na kumakalat o nakahahawa sa mga tao at iba pang hayop.
Sinabi ng China’s Agriculture Ministry, exaggerated lamang at hindi nakabatay sa katotohanan ang ginawang interpretasyon ng media sa pagpapalabas ng pag-aaral sa nabanggit na virus.
Anila, nakasaad sa konklusyon ng pag-aaral na napakaliit lamang ng bilang ng nakuhang sampling dito habang wala ring sapat na ebidensiyang nagpapakita na ang G4 ang nangungunang strain ng swine virus.
Dagdag ng China’s ministry, 2011 pa nang simulang i-monitor at patuloy na binabantayn ng World Health Organbization at iba pang ahensiya sa China ang G4 virus.
Magugunitang inilathala sa US Journal Proceedings of the National Academy Science ang ginawang pag-aaral ng grupo ng mga Chinese scientist sa G4 virus kung saan ibinabala nila ang posibilidad na magdulot ito ng panibagong pandemic.