Nakalaya na ang 3 sa 11 inaresto aktibista habang nagsasagawa ng kilos protesta laban sa Anti-Terrorism Act sa Cabuyao, Laguna kahapon.
Batay sa ulat, pawang mga menor de edad ang tatlong pinalaya matapos sumailalim sa medical examination at hindi na rin kinasuhan.
Habang patuloy namang nakakulong sa Cabuyao Police Station ang 8 iba pang nagprotesta.
Ayon sa tagapagsalita ng grupong Bayan Southern Tagalog na si Casey Cruz, maayos nilang isinasagawa ang kilos protesta at wala silang nalabag na anumang batas na may kaugnayan sa physical distancing protocols.
Dagdag ni Cruz, naging marahas din aniya ang ginawang pag-aresto ng mga pulis at militar sa kanilang mga kasamahan nang patapos na ang kanilang programa.