Sumampa na sa 44,254 ang kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa ngayong Linggo, Hulyo 5.
Ito’y matapos makapagtala ng karagdagang 2,434 na kaso ang Department of Health sa nakalipas lamang na magdamag.
Sa ngayon, ito na ang pinakamataas na bilang ng single-day cases, kung saan nahigitan nito ang naitala noong Biyernes, Hulyo 3, na may 1,531.
Sa naturang bilang, 1,147 dito ay ‘fresh’ cases at 1,287 naman ang late cases.
Samantala, nadagdagan pa ng 489 ang bilang ng mga nakarekober kaya’t umabot na sa 11,942 ang total recoveries; habang 7 naman ang naitala sa bilang ng mga namatay kaya’t nasa 1,297 na ang death toll sa bansa ng COVID-19.