Pumanaw na si Camarines Sur 1st District Rep. Marissa Andaya dahil sa sakit na cancer nitong Linggo, ika-5 ng Hulyo.
Ito mismo ang kinumpirma ng kanyang kabiyak na dating kongresistang si Rolando Andaya Jr.
Ayon sa dating kongresista, sa pitong taong pakikipagtunggali ng asawa nitong si Marissa sa sakit na cancer, napag-alaman nitong bumalik ang kanyang sakit noong unang linggo ng Hunyo ngayong taon.
Ito anya ay sa kasagsagan ng kanyang pagtulong sa kanyang mga nasasakupan sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, sa kabila ng mismong sya ay may mahina nang panlaban sa virus.
Samantala, umapela naman ng privacy ang Pamilya Andaya sa panahong ito at kanila na lamang iaanunsyo ang iba pang detalye hinggil sa libing ng kongresista.