Maaari nang mag-download ng libre sa smartphone ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) contact tracing application.
Sa pamamagitan nito, mabibigyan ng bababala ang mga gumagamit ng app na nakasalamuha ng isang indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 na gumagamit din ng app.
Mayroon na ring tinatawag na “exposure notification” ang mga contact tracing app na ito na inilagay ng mga software company para mas madaling maipasa ang mga impormasyon maging ito man ay IOS o android.
Gayunman, nilinaw ng mga eksperto na desisyon pa rin ng isang indibidwal na gumagamit ng app kung siya ay magbibigay ng kaniyang personal na impormasyon o hindi.
Una rito, sinabi ng Department of Health (DOH) na isa sa mga paraan para masugpo ang pagkalat ng nakakahawang sakit sa bansa ay ang mabilis at maayos na contact tracing.