Nagkasa na ng mas mahigpit na safety and health protocols ang pamunuan ng MRT 3 matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mahigit 100 tauhan nito.
Obligado nang magsuot ng personal protective equipment (PPE) ang lahat ng mga tauhan ng MRT sa mga sitasyon, tren, depot at maging sa bus augmentation service.
Inatasan din ang mga empleyado na magsumite ng health declaration o estado ng kanilang kalusugan dalawang beses kada araw.
Tuloy-tuloy naman ang isinasagawang disinfection sa lahat ng depot at istasyon at tren ng MRT 3.
Samantala alas sais ng umaga ay 11 tren ng MRT ang tumatakbo na mayroong 10 minutong interval sa pagdating ng kada tren
Alas singko pa lamang ng madaling araw ay dagsa na ang mga commuters sa North Avenue Station na kailangang kontrolin pa kaya’t humahaba pa lalo ang pila.
Dinagdagan naman ang bus augmentation units na nasa 15 nang palargahin ng Lunes ng umaga.
Una nang nagtigil operasyon ang MRT 3 nitong weekenda para sa pag-aayos ng riles nito na gagawin din sa mga susunod pang weekend hanggang Setyembre.