Inihatid na sa huling hantungan ang babaeng driver na nagpaparenta ng kaniyang sasakyan sa Calamba, Laguna.
Halos bumuhos ang luha ng pamilya, mga kaanak, kaibigan at kailala ni Jang Lucero sa paghahatid dito sa huling hantungan
Hustisya pa rin ang sigaw ng mga nagmamahal kay Lucero sa gitna nang patuloy na pagkalap ng mga ebidensya hinggil sa pagpatay dito.
Magugunitang natagpuan ang labi ni Lucero na may 52 saksak sa buong katawan sa loob ng kaniyang sasakyan noong June 28 sa Bypass Road sa Calamba.