Naka-lockdown na simula ngayong araw na ito ang Hall of Justice ng Naga, Cebu
Ito ay matapos mag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang isa sa mga staff ng branch 76.
Tuloy-tuloy ang disinfection ng buong Hall of Justice building habang naka-lockdown sa loob ng dalawang linggo habang nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng nasabing staff ng branch 76.