Naihain na rin sa korte suprema ang ika-apat na petisyon na kumukuwestiyon sa legalidad ng bagong lagdang Anti- Terrorism Act of 2020.
Ito ay sa pamamagitan ng Makabayan Bloc sa House Of the Representative na humihiling ng pagpapawalang bisa at agarang pagpapatigil sa implementasyon ng anti terror law habang dinidinig ang petisyon laban dito.
Ayon kay Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate, isa sa mga kuwestiyonable sa anti-terror law ang nakasaad na kahulugan ng terorismo.
Maliban dito, sinabi ni Zarate na marami ding nakakatakot na probisyon sa nabanggit na batas.
Tulad aniya ng section 29 kung saan maaaring makulong ng hanggang 24 araw ang isang indibiduwal kahit hindi pa ito nasasampahan ng kaso.
Dagdag ni Zarate, hindi rin aniya korte ang mag-uutos sa pag-aresto kundi ang anti-terrorism council.