Kinasuhan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kumpanyang nagmamay-ari Sa Hong Kong flagged cargo vessel na M/V Vienna Wood na nakabanggaan ng bangkang pangisdang liberty 5 sa bahagi ng Occidental Mindoro.
Ayon kay PCG Spokesman Commodore Armand Balilo, kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide and damage to property ang isinampa laban sa kumpanyang nagmamay-ari at mga opisyal ng M/V Viena Wood.
Sinabi ni Balilo, inihain ang kaso sa tanggapan ng Occidental Mindoro Provincial Prosecutor matapos na makumpleto ang mga kinakailangang dokumento.
Samantala, una nang pinalawig ng PCG ang search and retrieval operations sa 14 na nawawalang mga mangingisdang Pinoy na sakay ng tumaob na F/B Liberty 5.
Magugunitang, patungo sanang Navotas fish port ang Liberty 5 nang makabanggaan naman nito ang M/V Vienna wood na mula sa Subic, Zambales at patungong Australia.