Posibleng sa Nobyembre pa maituloy ang mga pagdinig ng senado sa mga anomalya na umano’y kinasasangkutan ni Vice President Jejomar Binay.
Ayon kay Blue Ribbon Sub-Committee Chairman Koko Pimentel, ito ay dahil okupado ang lahat ng silid dahil sa iba’t ibang hearing habang nakalaan naman ang session hall para sa budget deliberations.
Sinabi ni Pimentel na bagamat maaaring magsagawa ng pagdinig habang naka-adjourn ang sesyon, posible naman magkaroon ng problema sa bilang ng mga makadadalo.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)