Sinegundahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbabawal ng Department of Finance (DOF) ng bentahan ng alak at sigarilyo online.
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez suportado niya ang hakbangin dahil delikadong mga menor de edad ang makabili ng alak at sigarilyo lalo na kung walang profile ng kanilang buyers ang mga nagbebenta ng mga ito online.
Sinabi ni Lopez na nakikipag-ugnayan na sila sa DOF para makabuo ng sistema sa online selling platform upang matiyak na maire rehistro ito sa DTI at BIR.