Pumalo na sa higit 10,000 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Central Visayas.
Ito’y makaraang maitala ang panibagong 237 na mga COVID-19 positive, kahapon, 6 ng Hulyo.
Dahil dito, sa pinakahuling datos ng DOH-Central Visayas, kabuuang 10,506 na ang bilang ng mga dinadapuan ng virus sa rehiyon.
Sa naturang bilang, 6,527 ang aktibong kaso, 3,570 naman ang tuluyan nang nakarekober at 408 ang mga namatay dahil sa COVID-19.
Samantala, lumalabas na ang malaking bilang ng COVID-19 ay naitala sa lungsod ng Cebu na may kabuuang 6,870 na mga kumpirmadong kaso.