Bumilis sa 2.5% ang inflation sa buwan ng Hunyo, matapos ang apat na magkakasunod na buwan ng pagbagal nito.
Mas mataas ito sa naitalang inflation rate noong Mayo na 2.1% at mas mababa naman sa naitalang 2.7% noong Hunyo ng nakaraang taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), pangunahing dahilan ng pagbilis sa inflaton rate nitong Hunyo ang pagtaas presyo sa transportasyon, partikular na anila ang pasahe sa mga tricycle.
Gayundin ang pagtaas ng presyo sa mga nakalalasing na inumin, tobacco products, singil sa tubig at kuryente, mga produktong petrolyo at komunikasyon.