Hindi na muna maglalabas ng travel authority ang Joint Task Force COVID-19 shield para sa mga locally stranded individual (LSI) patungong Basilan, Lanao del Sur, at Camiguin.
Ito’y kasunod na rin ng inilabas na direktiba ni National Task Force Against COVID-19 chairman at Defense Secretary Delfin Lorenzana na suspindehin muna ang paghahatid sa mga LSI mula Maynila.
Ayon kay Task Force COVID Shield commander P/LtG. Guillermo Eleazar, epektibo, ang pagpapatupad ng nasabing suspensyon sa biyahe ng mga LSIs sa nabanggit na lalawigan mula Hulyo 1 at magtatagal ng 15 araw.
Sinabi pa ni Eleazar, hiniling aniya ng mga gubernador ng nasabing mga lalawigan na itigil muna ang paghahatid ng LSI sa kanilang lugar mula sa Maynila dahil puno na ang kapasidad ng kanilang quarantine facilties.