Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon na ng bakuna o gamot laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Disyembre.
Ayon kay Pangulong Duterte, kun’di man magkaroon ng bakuna ay posibleng mayroon ng gamot para sa COVID-19 bago magtapos ang taon.
I think by December mayroon na hong vaccine or at least if not a vaccine, a medicine that could kill the COVID-19,” ani Duterte.
Sinabi pa ng pangulo na mas nanaisin niyang makakuha muna ng gamot para puksain ang virus at saka na lamang kumuha ng bakuna.
Magugunitang ilang beses na rin nagkaroon ng pahayag ang pangulo kaugnay sa pagkakaroon na ng bakuna laban sa sakit dahil umano sa tagumpay ng ginagawang pag-aaral ng mga Chinese researcher.