Nakubkob ng mga sundalo ang isang kuta ng Dawlah Islamiya kasunod ng engkuwentro sa Barangay Tamparong, Madalum, Lanao del Sur.
Ayon kay Lt. Col. Franco Rapahel Alano, kumander ng 55th Infantry Battalion ng Philippine Army, nakatanggap sila ng sumbong hinggil sa presensya ng mga hinihinalang terorista na nangre-recruit at namimilit sa mga residente na bumili ng kanilang food items.
Agad na nagtungo roon ang mga tropa ng pamahalaan dahilan upang maganap ang bakbakan kung saan isang kawal ang namatay nang masabugan ng landmine.
Dahil dito, ayon kay 1st Infantry Division commander, Maj. Gen. Generoso Ponio, nagpapatuloy ang military operations laban sa Dawla Isamilya sa kanilang areas of responsibility.