Sumampa na sa 395 ang mga dinapuan ng COVID-19 sa Western Visayas.
Ayon kay Dr. Jessie Glen Alonsabe, regional epidemiologist ng Department of Health-Center for Health Development Western Visayas o DOH-CHD 6, nakuha nila ang resulta mula sa 393 laboratory results sa rehiyon na isinagawa ng Western Visayas Medical Center sub-national laboratory at Teresita L. Jalandoni Provincial Hospital Molecular Laboratory.
Anim ang bagong nagpositibo na kinabibilangan ng isang health worker, tatlong repatriated overseas Filipino workers (OFW’s), isang locally stranded individual (LSI), at isang residente.
Kasalukuyan nang naka-quarantine ang mga nabanggit na pasyente.