Pumalo na sa 50,000 mga reklamo ang natatanggap ng pamunuan ng Energy Regulatory Commission (ERC) hinggil sa napakataas na singil sa kuryente.
Ayon agnes Devandera, chairperson ng ERC, 80 porsyento sa kabuuang bilang ng reklamo ay dahil sa mataas na power bill.
Kasunod nito, humingi naman ng pasenya at pang-unawa si Devandera sa publiko dahil sa mabagal na pagtugon ng ahensya sa dami at bugso ng reklamong inihain sa kanila.
Bagamat maaaring maging mabagay ang pagtugon ng ERC, tiniyak naman nilang bubusisiing mabuti ang mga reklamo at kanila ring hihingan ng kasagutan ang nirereklamong electric company.