Sinimulan na kanina ang mas maagang pagbiyahe ng mga bus sa ilalim ng MRT-3 bus augmentation program para sa mga pasaherong apektado ng suspensyon ng byahe ng nito.
Ito’y makaraang ipag-utos ni Transportation Secretary Arthur Tugade na gawing alas-4 ng umaga ang pagsisimula ng dispatch ng mga bus, mula sa dati nitong byahe na alas-5:30 ng umaga.
Ayon namam kay director for operation ng MRT-3 na si Michael Capati, tumalima rin ang mga bus company sa ilalim ng bus augmentation na agahan ang kani-kanilang mga biyahe.
Nauna rito, humaba ang pila ng mga pasaherong nais na sumakay sa bus dahil sa tigil operasyon ng biyahe ng MRT-3.
Kasunod nito, pinaalalahanan din ni Transportation Secretary Tugade, na tiyaking mahigpit na maipatutupad ang 3-minute regular dispatch system ng mga bus.