Pumapalo na sa mahigit 80 laboratoryo ang binigyan ng lisensya para magsagawa ng independent testing para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinabatid ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nabigyan na nila ng accreditation ang 62 polymerase chain reaction facilities at 21 GeneXpert laboratories.
Kabilang aniya sa pinakabagong accredited laboratories ang Qualimed Health Delivery System sa San Jose Del Monte, Bulacan; Parkway Diagnostics at Philippine Airport Diagnostics.
Hanggang nitong nakalipas na ika-9 ng Hulyo, sinabi ni Vergeire na mahigit 800,000 na ang na-test ng operational laboratories kung saan halos 62,000 ang nagpositibo at nasa 7.5% ang positivity rate.
Ika-7 ng Hulyo aniya naitala ang pinakamataas na bilang nang naisagawang test sa isang araw na nasa mahigit 23,000.