Ibinasura Ng House Committee on Legislative Franchise ang panukalang batas na humiling ng panibagong broadcast franchise para sa ABS-CBN Corporation.
Sa botong 70 na “yes”, 11 na “no” at dalawang abstain, inaprubahan ng komite ang resolusyon ng technical working group.
Kaugnay ito ng pagbasura sa franchise application ng ABS-CBN para makapag-construct, mag-install, magtatag, mag-operate at mag-maintain ng radio at broadcasting stations sa Pilipinas.
Dahil dito, posibleng sa 2022 pa maaaring makapag-apply muli ng prangkisa ang ABS-CBN bagama’t may pagkakataon pa rin ang mga may-akda ng panukala na i-apela ang pasiya ng komite.
Magugunitang, ginanap sa loob ng 12 g araw ang pagdinig ng komite kasama ang House of Committee on Good Government and Public Accountability
kung saan natalakay ang ilang mga alegasyon laban sa network.
Kabilang dito ang citizenship ng chairman emeritus ng ABS-CBN na si Gabby Lopes, pag-papalabas ng Philippine Depository Receipt sa mga dayuhan, political bias, pagkakaroon ng TV plus, paglabag sa labor law at hindi tamang pagbabayad ng buwis.
Labing apat na panukala ang inihain sa House of representative na humihiling ng panibagong 25 broadcast franchise ng ABS-CBN makaraang mapaso ito noong Mayo 4.