Extended hanggang sa 15 ng Hulyo ang ipinatutupad na lockdown sa Agora Market sa lungsod ng San Juan.
Sa higit 600 mga nagtitinda sa naturang palengke na isinailam sa swab test, kabuuang 23 sa kanila ang nag-positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Habang patuloy pang hinihintay ang nasa 33 mga resulta na sumailalim sa kaparehong pagsusuri.
Kasunod nito, kasalukuyan namang nakahiwalay sa iba ang mga nagpositibo sa virus habang naka-quarantine na rin ang ilan pang mga nakasalamuha ng mga nag-positibo sa COVID-19.
Dahil dito, ayon sa pamunuan ng health office ng San Juan City, ang Agora Market ang itinuturing nilang epicenter ng bagong mga kaso ng COVID-19 sa lungsod.
Samantala, simula sa 16 ng Hulyo, papayagan nang makapagtinda ang mga nag-negatibong vendors ng palengke, basta’t kumuha ang mga ito ng special health clearance