Namahagi ng nasa 37,000 mga flu vaccines ang Senior Citizen’s Partylist katuwang ang pamahalaang lungsod ng San Jose del Monte sa lalawigan ng Bulacan.
mismong si Senior Citizen’s Partylist Rep. Francisco Datol Jr ang nagbigay ng donasyong flu vaccine kina San Jose del Monte City Mayor Arthur at lone district Rep. Florida “Rida” Robes sa isang simpleng turnover ceremony nuong ika-9 ng Hulyo.
Nagpasalamat naman ang mag-asawang Robes sa Senior Citizen’s Partylist sa kanilang pagsusumikap na mabigyan ng naaangkop na bakuna ang mga nakatatanda sa lugar na itinuturing na most vulnerable sa COVID-19
Ang mga senior citizens natin ay nasa high risk group para sa COVID-19. Kaya kailangan talaga nila ng proteksyon laban sa virus. Ang flu vaccine ay makakatulong bilang isang preventive health measure. Kaya nagpapasalamat ako sa Senior Citizens Partylist para sa mga vaccines na ito. Sa hirap ng buhay ngayon, iba talaga ang may nagbibigay, may nagmamalasakit, at may nagmamahal,” ani Congresswoman Rida.
Alinsunod po ang flu vaccine distribution sa sinasabi ng Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010. Ang mga seniors po at dapat nating pahalagahan at patuloy na alagaan.” wika naman ni Mayor Art Robes.
Ayon naman kay Rep. Datol, target nilang makapagpatayo ng Home For The Aged sa Bulacan na gagawin ding Treatment Center para sa mga nakatatandang may COVID-19.