Muli na namang naantala ang pagbasa ng sakdal kay dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa anim na bilang ng kasong tax evasion sa Court of Tax Appeals.
Ito ay matapos na maglabas ng Tenporary Restraining Order ang CTA en banc na nagpapahinto sa lahat ng proseso na may kaugnayan sa nasabing kaso ni Corona.
Ang nasabing TRO ay tatagal hanggang 60 araw.
Sa halip na matuloy ang arraignment ay nagtakda ng oral argument ang CTA sa Oktubre 20.
By Rianne Briones | Jill Resontoc (Patrol 7)