Sinimulan nang paganahin ang kauna-unahang airport-dedicated COVID-19 PCR testing laboratory sa Pilipinas.
Ito ay matatagpuan mismo sa loob ng Mactan-Cebu International Airport.
Ayon sa Mactan-Cebu International Airport Authority (MCIAA), sa mga inilatag na kiosk ng 400 square meter laboratory sa loob ng paliparan mismong isinasailalim sa testing ang mga pasahero o biyahero.
Ang nabanggit na laboratoryo sa loob ng Mactan Airport ay ang ika-apat nang testing facility sa Cebu na lisensiyado para magsagawa ng RT-PCR test sa COVID-19.
Sinabi naman ng Department of Transportation (DOTr), inaasahang maipo-proseso ng nabanggit na laboratoryo ang mula 1,500 hanggang 3,000 tests kada araw at mailalabas ang resulta sa loob lamang ng 24 oras.