Umakyat na sa halos 850,000 ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa India.
Ito’y makaraang makapagtala ang health ministry ng mahigit 28,637 sa loob lamang ng isang araw.
Dahil dito, nagkasa agad ng isang linggong lockdown lalo na sa lugar ng Bangalore na sentro ng komersiyo.