Sasagutin ng kani-kanilang koponan ang gastusin sa pagpapaospital sakaling dapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga manlalaro ng Philippine Basketball Association (PBA).
Ito ang tiniyak ni PBA Commissioner Willie Marcial matapos makipagpulong sa Board of Governors, mga coaches at team managers.
Ayon kay Marcial, isa umano sa mga ikinababahala ng mga manlalaro ay kung sino ang babalikat sa kanilang medical expenses kapag nagpositibo sila sa coronavirus.
Maliban dito, sagot din ng PBA teams ang gagawing COVID-19 testing sa kanilang hanay.