“Noted.”
Ito ang naging reaksyon ng Malacañang kaugnay sa lumabas na resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) hinggil sa franchise renewal ng ABS-CBN.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nawalan ang Pilipino ng media partner na nagpapakalat ng mga mahahalagang impormasyon lalo’t isa ito sa may pinakamalawak na sakop na network.
Batay sa naturang survey, lumabas na 75% ng mga Pilipino ang nagsabing suportado nila ang paggawad ng prangkisa sa ABS-CBN.
Ito’y taliwas sa unang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang panayam kung saan sinabi nito na ang taumbayan ang nagdesisyon na hindi pupwedeng magnegosyo sa isang broadcast industry na walang prangkisa na inaprubahan ng representante ng taumbayan.