Malabo nang mabaliktad pa ang desisyon ng house committee on legislative franchises na ibasura ang aplikasyon para sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN kahit pa may maghain ng motion for reconsideration.
Ayon kay Cong. Lawrence Fortun, mahirap baliktarin ang 70 boto kontra sa 11 pumabor na mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.
Gayunman, sinabi ni Fortun na ang pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN ay hindi repleksyon ng sentimiyento ng buong House of Representatives dahil dinesisyunan ito ng halos one fourth lamang ng mga mambabatas.
Posible anyang mas nagkaroon ng pagkakataong maipasa ang prangkisa ng ABS-CBN kung nakarating ito sa plenaryo kung saan lahat ng kongresista ay boboto.