Umabot na sa full capacity ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) intensive care unit beds ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at Bonifacio Global City gayundin ang Makati Medical Center.
Dahil dito hiniling Ng St. Luke’s sa publiko na dalhin na lamang ang COVID-19 suspects na mayruong malubhang karamdamdan sa ibang ospital.
Sinabi ng pamunuan ng st lukes na magpapalabas sila ng abiso kapag muling nagbukas ang COVID-19 ICU beds.
Sa ngayon anila ay tuloy naman ang pag accommodate nila sa admission at treatment ng non COVID-19 cases kabilang ang outpatients procedures.
Ipinabatid naman ng Makati Medical Center Management na puno na ang COVID- 19 zones nila kasama ang regular wards, critical care units at emergency room.
Sa kabila ng dagsang COVID-19 patients sa ospital tiniyak ng MMC ang kaligtasan ng mga naka admit na non-covid patients.