Malapit nang maabot ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) ang kanilang kapasidad sa pagtanggap ng mga pasyenteng dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito ang inanunsyo ni Dr. Rose Marie Rosete-Liquete, executive director ng NKTI, kung saan nasa “danger zone” na aniya ang kanilang kapasidad.
Ani Liquete, puno na rin ang pasilidad ng kanilang emergency room.
Kaya naman umapela na ang NKTI sa publiko na madala ang kanilang mga pasyenteng may COVID-19 sa ibang pagamutan.
Gayunman, nilinaw ng NKTI na patuloy pa rin ang kanilang pagtanggap ng mga renal emergency case at post-kidney transplant patients.
BASAHIN: Ayon sa National Kidney and Transplant Institute, nasa “danger zone” na ang kanilang mga nakalaang bed capacity para sa mga COVID-19 patients. (: National Kidney and Transplant Institute Facebook post) pic.twitter.com/rEFCdmhMLu
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) July 13, 2020
Una rito, nag-anunsyo na rin ang St. Luke’s Medical Center at Makati Medical Center na wala nang bakanteng kama para sa mga COVID-19 patients sa kanilang intensive care unit.